Saturday, May 14, 2011

Ang pagbabalik...

At ako ay nagbalik...

Wednesday, November 11, 2009

Eto na naman ako.. hindi na naman mapalagay. Hindi alam kung saan ang patutunguhan. Gusto kong umiyak pero ayaw naman ng mata kong ipatak ang luha ang babanta na. Ang sakit sakit parang malagkit na nakadikit sa aking dibdib.. Pilit mang tinatanggal. Mahirap alisin. Dumadaan sa isang pagsubok na nagpaparupok. Pero nakikilala ang tunay na sarili.

Tuesday, August 18, 2009

Hirap mag- isip kapag alam mong walang desisyon kang mabubuo sa mga suliranin na iyong dinadala. Minsan naiisip kong kumaripas ng takbo at magtago upang sa ganon ay di ko makita ang nangyayari. Ngunit mas mahirap palang kalaban ang nararamdaman. Kasi ang mga mata pwede mong ipikit para wag makita ang gustong itaboy sa iyong isip, pero ang isip di mo pwedeng ipikit, kasi ito ay iyong nadarama na kung saan andun ang sakit, ang sarap at minsan ang ligaya. Nakakapagod ang mag-isip......

Friday, August 14, 2009

Sana naging bata na lang ako at ng di ko na narararanasan ang mga bagay na ito. Ang bigat sa dibdib. Di ko malaman kung sino ang sisilungan ko. Para akong nasa gitna ng dalawang bato na nag uumpugan. Na sa sobrang lakas.. ako ang tinatatamaan at di ko alam baka ako ang mabagok. Sana matapos na ito...... sana...

Thursday, August 13, 2009

Ano ba nangyayari sa akin... Di ko na alam kung saan ako kakampi.. Sa pula ba o sa puti. Di naman dapat mamimili. Kasi parehas ko namang silang mahal. Blood is thicker than water daw. Pero... Mas madikit ang Mighty Bond. Minsan kung sino ang kadugo, sya pa ang nag papahamak sa iyo. Pero whatever desisyon na ginawa ko at gagawin sa aking buhay. It's still my decision. Hindi na ako bata para sabihan ng kung ano ang tama at mali. Kasi alam ko na yun. Paano ko matatagpuan ang matagal ko ng hinahanap kung sa bawat pag hakbang ko ay lagi kayong andun? Kung sa bawat paghakbang ko ay laging opinyon nyo ang sinusunod ko? Yun nga lang pagkakamali ko. Kasi lagi ko kayong sinusunod. Kasi mahal ko kayo. Sana mahalin nyo din ako na palayain at pabayaan na mag isa at lumipad. Hanapin ang pugad na nararapat sa akin. Pero nagpapasalamat ako sa inyo. Dahil sa tiwala at sa pagmamahal na inyong isinasaboy sa akin. Pero ang sobrang pagmamahal.. Nakakasikil... nakakamatay.... at sana di pa huli ang lahat..... ang PUSO ko.... tumitibok pa.... humihingal at handa ng magmahal at harapin.... ang BUHAY...... BOW...
HAHAHAHAHA. Isang malakas na tawa ang natanggap ko sa aking sarili bilang ganti sa aking katangahan. HAHAHAHAHA. for the second time... natanga ako. AHAHAHAHAHA. AKALA ko kapag puti di pala pwedeng samahan ng itim. Ang pagkakamali ko.. Ang Harap pala puti pero sa likod itim. ANG TANGA ko. HAHAHAHHAA. Tiwalang tiwala pa naman ako na di na ako maloloko. Pero ano nangyari?? History repeat itself. Ang importante ay ang napulot na aral.. ANG SAGING GAANO MAN KAKAPAL ANG BALAT NITO... SA LOOB NITO. MANANATILING SAGING. ANG SAGING... BOW.... LOLZ

Wednesday, August 12, 2009

" Hindi ko kailangan maging valedictorian para maging marunong."