Wednesday, November 11, 2009

Eto na naman ako.. hindi na naman mapalagay. Hindi alam kung saan ang patutunguhan. Gusto kong umiyak pero ayaw naman ng mata kong ipatak ang luha ang babanta na. Ang sakit sakit parang malagkit na nakadikit sa aking dibdib.. Pilit mang tinatanggal. Mahirap alisin. Dumadaan sa isang pagsubok na nagpaparupok. Pero nakikilala ang tunay na sarili.

Tuesday, August 18, 2009

Hirap mag- isip kapag alam mong walang desisyon kang mabubuo sa mga suliranin na iyong dinadala. Minsan naiisip kong kumaripas ng takbo at magtago upang sa ganon ay di ko makita ang nangyayari. Ngunit mas mahirap palang kalaban ang nararamdaman. Kasi ang mga mata pwede mong ipikit para wag makita ang gustong itaboy sa iyong isip, pero ang isip di mo pwedeng ipikit, kasi ito ay iyong nadarama na kung saan andun ang sakit, ang sarap at minsan ang ligaya. Nakakapagod ang mag-isip......

Friday, August 14, 2009

Sana naging bata na lang ako at ng di ko na narararanasan ang mga bagay na ito. Ang bigat sa dibdib. Di ko malaman kung sino ang sisilungan ko. Para akong nasa gitna ng dalawang bato na nag uumpugan. Na sa sobrang lakas.. ako ang tinatatamaan at di ko alam baka ako ang mabagok. Sana matapos na ito...... sana...

Thursday, August 13, 2009

Ano ba nangyayari sa akin... Di ko na alam kung saan ako kakampi.. Sa pula ba o sa puti. Di naman dapat mamimili. Kasi parehas ko namang silang mahal. Blood is thicker than water daw. Pero... Mas madikit ang Mighty Bond. Minsan kung sino ang kadugo, sya pa ang nag papahamak sa iyo. Pero whatever desisyon na ginawa ko at gagawin sa aking buhay. It's still my decision. Hindi na ako bata para sabihan ng kung ano ang tama at mali. Kasi alam ko na yun. Paano ko matatagpuan ang matagal ko ng hinahanap kung sa bawat pag hakbang ko ay lagi kayong andun? Kung sa bawat paghakbang ko ay laging opinyon nyo ang sinusunod ko? Yun nga lang pagkakamali ko. Kasi lagi ko kayong sinusunod. Kasi mahal ko kayo. Sana mahalin nyo din ako na palayain at pabayaan na mag isa at lumipad. Hanapin ang pugad na nararapat sa akin. Pero nagpapasalamat ako sa inyo. Dahil sa tiwala at sa pagmamahal na inyong isinasaboy sa akin. Pero ang sobrang pagmamahal.. Nakakasikil... nakakamatay.... at sana di pa huli ang lahat..... ang PUSO ko.... tumitibok pa.... humihingal at handa ng magmahal at harapin.... ang BUHAY...... BOW...
HAHAHAHAHA. Isang malakas na tawa ang natanggap ko sa aking sarili bilang ganti sa aking katangahan. HAHAHAHAHA. for the second time... natanga ako. AHAHAHAHAHA. AKALA ko kapag puti di pala pwedeng samahan ng itim. Ang pagkakamali ko.. Ang Harap pala puti pero sa likod itim. ANG TANGA ko. HAHAHAHHAA. Tiwalang tiwala pa naman ako na di na ako maloloko. Pero ano nangyari?? History repeat itself. Ang importante ay ang napulot na aral.. ANG SAGING GAANO MAN KAKAPAL ANG BALAT NITO... SA LOOB NITO. MANANATILING SAGING. ANG SAGING... BOW.... LOLZ

Wednesday, August 12, 2009

" Hindi ko kailangan maging valedictorian para maging marunong."

Tuesday, August 11, 2009

Mahirap mang aminin sa aking sarili pero ikaw ang naging dahilan kung bakit di ako makatulog sa gabi. Di ako makakain ng maayos. Gusto ko ng aminin sa aking sarili na mahal na nga kita. Gusto ko ng maging matapat sa aking sarili. Timaan ako sa iyo pero takot ako na ipagpatuloy ang nararamdaman.. Kasi hindi dapat. Ayaw ako.. May mga pangarap ako.. Hindi ka kasama sa plano ko. Pero bakit ganon???? sa bawat pag daan ng araw.. unti unti kang nagiging bahagi ng buhay ko, ng plano ko, ng mga panagarap ko... Natatakot ako.... Natatakot ako...... Natatakot akong tuluyang mahulog sa napakalalim na balon na di ko alam kung saan patutungo... O Mas takot akong ayawan mo kasi di ako nararapat sa pagmamahal mo..

Friday, August 7, 2009

YABANG.. lang.. pala....

MAYABANG PALA AKO. Kasi ang paniniwala ko noon. Kung ang lahat ay mahina saka naman ako lumalakas. Di pala totoo. Kasi ngayon mahina ako.. saka ko nadadama ang pagkalugmok. Ang kalungkutan. Ang pag iisa. Sumasakit ang aking damdamin. Para bang pinagtatawanan ako ng tadhana dahil sa aking paniniwala.

Friday, July 31, 2009

Sabado na naman bukas. Sa makalawa linggo.
Susunod. Lunes na naman hanggang sa maging Biyernes.
Paulit ulit. Walang pag babago. Hinahanap, di mahagilap.
Sana dumating na. Kungdi man dumating, sana ay makita.
Minsan sa buhay ng tao. ang kailangan pala ay maghanap.
Hindi ang mag hintay lamang. Di pala lahat.
Sa pag aantay nakukuha.Makukuha mo din yun kapag hinanap mo.
Ako hanggang sa ngayon patuloy na nag hahanap.

Wednesday, July 29, 2009

Minsan sa ating pag panhik.
Ang akala natin papataas tayo.
Minsan hindi natin alam .
Pag baba pala ang ginagawa natin.

Wednesday, July 22, 2009

Kailan ba nagiging tama ang mali?
At kailan mo masasabi na ang mali ay tama?
Hirap di ba. Pero kapag naranasan mo ang umibig.
Palagi siyang tama. Maski lahat nagsasabi na ikaw ay mali....

Sunday, July 19, 2009

Kaya mo bang turuan ang puso
Kahit na ang kahulugan nito
Ay ang pagtalikod sa mga tao
Na nagmahal sa iyo
Di ko pala kayang mahalin ang kagaya mo
Nais ng putulin ang kahangalang ito
Upang di malasap ang paghihirap na ito
At matahimik ka diyan sa bago sa mo

Sunday, July 5, 2009

Bus ni Kamatayan Part 1

Isang gabi pagkatapos ng gimikan

Pauwi na ako sa aming lalawigan

Ako ay natapat at nasakay

sa Bus pala ni kamatayan


O anong takot ang naramdaman

Sa pag akyat at pag upo nitong sasakyan

Na para bang nakikipagkarerahan

Sa mangunguhang si kamatayan


Tanging dasal ang namutawi na lamang

Habang rumaragasang nakikipag unahan

Ang nagmamaneho ng bus ni kamatayan

Sa kadiliman ng EDSAng lansangan






Sunday, June 28, 2009

Pagkakamali...


Katulad ng isang kanta na tumatagos sa aking puso. Saan, saan ako nagkamali? Ilang araw na akong nababagabag at nalulungkot dahil sa pagkakamali na nagawa ko. Minsan ang kabutihan na ginagawa mo ay hindi pala tama. Pero ano ang sukatan para masabi mo, na mali na pala ang tama na iyong ginagawa? Nalilito na ako mag kaminsan. Sino ba ang dapat kong sundin, ang aking makasariling paniniwala o ang aking mapagbigay at mapagmahal na paniniwala??? Marahil dumadating talaga sa punto ng ating buhay na kailangan na nating mamili kung sino ang dapat sundin. Ang tawag ba ng pagmamahal sa pamilya or ang tawag ng pagmamahal sa sarili? Mahirap man marahil gawin pero dapat kong kayanin. Kailangan kong matuto at harapin ng sarili ang buhay na matagal ko ng dapat na hinarap mag isa. Katulad ng paniniwala nina Mochtar Lubis. " Every individual must discover the courage to walk a man's road according to his own conscience and in response to his responsibility even if it means walking along" at Kahlil Gibran " Your children are not your children, they are the daugther of life longing for itself, they come through you but not from you, and they are with you yet they not belong to you, you may give them your love but not your thoughts, your may house their bodies but not their souls, for the souls dwell in the house of tomorrom, Which you cannot visit, not even in your dream..

Saturday, June 27, 2009

Kasalanan...


Bakit napakadali sa tao ang magkasala? Bakit napakadali nating matukso? Paano magapi ang demonyo sa ating isipan kung nasa harapan natin sila? Ilan lamang yan sa mga tanong na tumimo sa aking isipan kahapon matapos kong sumuong sa isa pinakamalungkot na aking buhay. Masasabi kong malungkot sapagkat ako ay nagkasala sa isip. Maaring hindi ko ginawa ang isang kasalanan pero ito ay tumitik sa aking isipan. Pinaglaruan ako ng tukso. Subalit, masasabi ko na nanaig pa din ang kabutihan sapagkat hindi ko ginawa ang isang bagay na makakapagpabulid sa akin sa impyerno. Ngunit ang isa pang katanungan na gumugulo sa aking isipan ay ganito. HANGGAN KAILAN KO SILA LALABANAN GAYUNG NASA AKING HARAPAN ANG TUKSO? HANGGANG KAILAN KO MAKAKAYA SILANG LABANAN? Ayaw ko naman na gamitin ulit ang salitang... "AKO ay TAO lamang".....