Saturday, June 27, 2009

Kasalanan...


Bakit napakadali sa tao ang magkasala? Bakit napakadali nating matukso? Paano magapi ang demonyo sa ating isipan kung nasa harapan natin sila? Ilan lamang yan sa mga tanong na tumimo sa aking isipan kahapon matapos kong sumuong sa isa pinakamalungkot na aking buhay. Masasabi kong malungkot sapagkat ako ay nagkasala sa isip. Maaring hindi ko ginawa ang isang kasalanan pero ito ay tumitik sa aking isipan. Pinaglaruan ako ng tukso. Subalit, masasabi ko na nanaig pa din ang kabutihan sapagkat hindi ko ginawa ang isang bagay na makakapagpabulid sa akin sa impyerno. Ngunit ang isa pang katanungan na gumugulo sa aking isipan ay ganito. HANGGAN KAILAN KO SILA LALABANAN GAYUNG NASA AKING HARAPAN ANG TUKSO? HANGGANG KAILAN KO MAKAKAYA SILANG LABANAN? Ayaw ko naman na gamitin ulit ang salitang... "AKO ay TAO lamang".....